Oatmeal Soap with Honey

Tags

, , , ,

“Swim your fears away.”

“Ilangoy mo an mga takot mo”


Gawing masaya ang iyong summer na walang halong takot.  Gumamit ng #Oatmeal_Soap_with_Honey, ang formula pa nung unang panahong Egyptian sa pampaganda na pinatototohanan pa hanggang ngayon ng mga siyentipiko .  Isang producto ng #Professional_Skin_Care_Formula by Dr. Alvin, ay punong puno ng natural oatmeal at honey/pulot, para sa dobleng bisa sa pagpapanatiling masigla (emollient/moisturising) ang kutis at nilalabanan ang maagang pagtanda (anti-oxidant) nito. Bukod dito,  ang oatmeal ay nakakatulong ma-ibsan ang pangangati,  pamamaga o pamamantal at pinaliliit ang “pores” ng balat. .  Dagdag pa, ang honey/pulot ay likas na may pumapatay  sa mikrobyong sanhi ng acne / tagihawat at naiiwasan ang  pagkakasakit ng kutis .  Sa pamamagitan ng Oatmeal Soap with Honey ng Professional Skincare Formula by Dr.  Alvin, ang balat mo ay magiging makinis, malambot at malasutla.     Kaya kahit na chlorinated pool,  natural spring river o sea salt water, pwede mong ILANGOY ANG MGA TAKOT MO.  

AVAILABLE DIN:

#Cleansing_Milk_With_Honey #Sunblock_Foundation_Lotion_Tan 
Posted by:

NovaMars Marketing 

Authorized Distributor of

#ProfessionalSkinCareFormula by Dr. Alvin

Quezon Province District #1

#Dolores; #Tiaong ( Bangon Tiaong , Tiaong Quezon, Tiaong Quezon) ; #SanAntonio; #Candelaria; #Sariaya; #Tayabas; #Pagbilao; #Mauban; #Lucban; #Real; #Infanta; #GeneralNakar; #Polilio; #Panungkulan; #Patnanungan; #Burdeos;  #Jomalig
Interesadong Resellers  mag-text sa 09085942696 para sa detalye

MAGANDANG Tagumpay 

Tags

, ,

Tassle

Patapos  nanaman ang Marso,  ramdam na ramdam na ang paglapit ng init ng panahon. Pero kahit mainit galak na galak naman ang ilang estudyante na magpatong ng mainit na graduation  gown, stole at cap para sa pictorial at sa graduation day.  Pero handa ka na bang humarap sa mga mainit na ilaw at mahabang seremonyas?
Ang ilang mga produkto ng Professional Skin Care Formula by Dr. Alvin ay magsisilbing katuwang mo sa iyong pag martsa ng iyong tagumpay:

Group A: Pagpapalakas ng Panlaban sa Impeksyon

Karaniwan sa mga ga-graduate na kababaihan ay nagpapa make-up. Pero napansin ko, ang gimagamit na instrumentong lumalapat sa kutis ay syang ginnagamit na din sa iba. Dahil dito, malaki ang posibilidad na magkahawaan ng mikrobyo ang mga nagpapa make-up. Ang mga sumusunod ay ma-aari mong gamitin upang mapangalagaan ang iyong kutis:

A.1. Pagpipiliang Sabon:

Tea Tree; Calamansi; Guava

A.1.a.  Tea Tree Soap, may natural na sangkap galing sa halaman na syang nakakapatay sa mga mikrobyo.
A.1.b.  Calmansi o Vitamin C Soap, ay nakakapagpa lakas ng immune system ng kutis.

A.1.c. Guava Soap, paraan ng mga Pilipino para maka-iwas impeksyon.

A.2. Pagpipiliang Toners:

ATS and AB Pore Minimizer

A.2.a. ATS , isang uri ng panlinis at panlaban sa mikrobyo.
A.2.b. AB Pore Minimizer, isang uri ng panlinis na nakakapatay din ng mikrobyo at nagpapaliit ng mga pores.
A.3.  Vitamin C Serum imageAng Vitamin C Serum ay ipinapahid sa mukha sa gabi upang mapalakas ang systemang panlaban sa sakit sa balat.
Group B. Panlaban sa Malakas na Ilaw o Init: Sunblock Cream/Gel o Lotion

Kalimitan sa mga pictorial ay pumapa-ilalim sa matinding sikat ng ilaw na ma-aaring ikatanda ng balat o ikasunog ng balat neto. Ang ilang nabanggit ay syang magsisilbing proteksyon laban sa init at matinding ilaw.

Group C. Pampaganda o Make Up
C. Make-up

With UV protection

Placenta Cream Foundation and Oil Control Face Powder

C.1. Placenta Cream Foundation : Eto ay 4 in 1 na cream sa umaga. May moisturiser, may pampabagal sa pagtanda ng balat, may foundation at may sunblock.

C.2 Oil Control Face Powder. Upang ma-iwasan ang pagmamantika at pangingintab ng mukha na nakakasira sa iyong graduation picture, ugaliing mag polbo ng Oil Control Face Powder sa bawat 2 oras. Bukod dito meron din etong sunblock.

Group D. Karagdagan

D.1 Olive Oil Mist: para sa makintab at masiglang itsura ng buhok. Maari din etong I spray sa balat bilang moisturiser at magbibigay maginhawang sariwang citrus na amoy habang pinagpapawisan na sa mahabang programa ng iyong graduation.
D.2. Under Arm Whitening Roll On. Pinanaitiling tuyo at maputi ang iyong kilikili kahit gaano kainit ang iyong suot.

D.3. Lotions: Pampaputi at Nakapagbibigay Moisture :

Olive and Milk Lotions, Goats Milk Lotions, Glutathione Lotion, and Papaya and Milk Lotion.

Kasama mo sa paghahanda at pagdiriwang ng iyong tagumpay,
Professional Skin Care Formula by Dr. Alvin.

Maligayang Pagtatapos sa Elementarya o Kolehiyo!

Click here for English Version 

Pan-lipunang Pananagutan ng mga Korporasyon

Tags

, , , , , ,

Muling ginising ng isang awtorisadong distributor ng Professional Skin Care Formula by Dr. Alvin na NovaMars Marketing ang kanyang   Corporate Social Responsibility  (Pang Lipunang Pananagutan ng mga Korporasyon) o CSR.  Nuong Pebrero 9, 2017 ang NovaMars  Marketing ay nagbigay pagkakataon na magka negosyo ang isang may kapansanan. 

image

Unless someone like you cares a whole awful lot, nothing is going to get better. It's not. -Dr. Seuss

Ang mga susunod na T&S ay upang bigyan linaw kung ano nga ba ang CSR.

Ano nga ba ang kahulugan ng CSR?

Ayon sa Lexicon ang CorprorateSocial cial responsibility (CSR) ay isang pamamaraan ng pag-nenegosyo na kung saan ito ay nakiki-lahok sa tuloy-tuloy na kaunlaran. Ginagawa nila eto sa pamamagitan ng paghahatid benepisyong pang-ekonomiya, pang-lipunan at pang-kapaligiran sa sinumang apektado ng kanilang kumpanya.

Ayon naman sa Investopedia, ang CSR ay ang pagkukusa ng isang negosyante na suriin at gawaing responsibilidad neto ang magbigay ng magandang kahihinatnan sa kapaligiran at lipunan.  Ang diwang eto ay pangkaraniwang ginagamit sa mga gawaing di na sakop ng panganga-ilangang hinihingi ng namumuno at nangangalaga ng kalikasan. 

Para sa Business Dictionary naman, Ang CSR ay pagkilala ng isang kumpanya sa kanyang panangutan sa kanyang kumonidad at kapaligiran (ma kalikasan o pang-lipunan) na kung saan nakatayo eto.

Ang sinulat nama nsa The World Business Council for Sustainable Development sa publication netong Making Good Business Sense ni Lord Holme and Richard Watts ay:
Ang Corporate Social Responsibility ay ang patuloy na pagtupad ng mga negosyante sa pangakong matiwasay o etikal na pangangalakal at sa pangakong pagbabahagi sa ika-uunlad ng ekonomiya kasabay ng pagpapa-aangat ng kalidad ng pamumuhay ng mga trabahador at kanilang pamilya , ang local na kumonidad at gayun din ang lipunan.

Matapos basahin ang ilang pakahulugang nabanggit, ating ma-ibubuod na ang CSR ay ang hangarin ng mga negosyanteng gumalaw hindi lang upang kumita kundi para na rin makipagkapwa sa mga tauhan neto at sa paligid kung saan sya nakatayo. Dahil dito ang CSR ay tinagurian ding Corporate Citizenship o Mamamayang Korporasyon.

Paano po maisasakatuparan ng kumpanya ang CSR o pakikipag-kapwa?

Ayon sa ulat ng intelligentHQ tatlong sangay na pwedeng daan upang ma-isakatuparan ang CSR: (1) Maka-kalikasan/Environmental (2) Maka-kapwa/Philanthropic – Pagkakawang-gawa (3) Makatao at Wastong Pamamahala/Ethical

Para sa maliit na negosyanteng tulad ng NovaMars Marketing, pinili neto ang maka-kapwa na pamamaraan sa pamamagitan ng pag bibigay ng pagkakataong mag negosyo ang mga taong may kapansanan o person with disability (PWD). Kaka-umpisa pa lamang neto kaya't sa kasalukuyan ay dadalawa pa lang ang natutulungan sa hanap buhay. Sila ay sina :

1) Jhuyjhuy Escalora, naka wheelchair at ngayon ay retailer na ng Professional Skin Care Formula by Dr. Alvin.

image

Retailer

Si Jhuyjhuy ay nagkaroon ng bukol sa spinal chord nuong sya ay bata pa na naging sanhi ng kanyang walang kakayanan lumakad at pagkabaluktot ng daliri. Sa kabila ng kanyang kapansanan sinisikap pa rin nyang makatulong sa gawaing bahay gaya ng paglilinis, paglalaba at pagluluto. Gaya ng karamihang PWD hangad pa rin nilang ma-itaguyod ang sariling pinansyal na panganga-ilangan. Dahil dito, naisipan ng NovaMars Marketing na gawin syang isang retailer sa paniniwala na siya ay may ginintuang kakayanan. Hango sa sinabi ni
Robert M. Hensel “Wala nang mas hihigit pang kapansanan ang meron sa lipunan kaysa ang hindi makakita na ang kapwa ay may ihihigit pa.”
image

2) George Belarmino, para sa delivery service sa loob ng Tiaong, Quezon.

image

George's Delivery Service

Si George Belarmino ay ipinanganak na walang kakayanan maglakad. Ngunit di iyon naging balakid sa kanyang isipan at kalooban na kaya nyang mag-hanap buhay sa kabila nang kanyang kapansanan. Ginawa nya nang paraan na ang kanyang traysikel ay mapa-andar gamit lang ang kamay, kaya’t sya ay nakakapag deliver ng gulay at nakakapag hatid sundo sa mga estudyante. Ang kanyang ka-sipagan at katibayan nang loob, ay nag-silbing inspirasyon sa NovaMars Marketing na dagdagan pa ang hanapbuhay ni Kuya George . Kaya’t nuong Pebrero 13, 2017, bilang pasulyap sa idaraos na Araw ng mga Puso, pinagkalooban Si Kuya George nang pagkakataon makapag deliver ng Professional Skin Care Formula by Dr. Alvin. Kung maraming susuporta sa kanya, darating ang panahon, na magiging retailer na rin sya.
image

Sa ngayon, ay naghahanap pa rin ang kumpanya ng PWD na pwedeng maging retailer sa lugar ng: Tayabas, Lucban, Mauban, Real, General Nakar, Panungkulan, Patnanugan, Polillo, Jomalig at Burdeos. Kaya't kung may kakilala kayong PWD sa mga lugar na nabanggit at gusto nyong tulungan, maari pong sabihan sya na mag text sa 09085942696. Sa ganitong pamamaraan mapapatupad nyo rin ang CSR sa abot ng inyong makakaya at makakapag bigay halaga sa kapwa. Ika nga sa isang sinabi sa The Feast Bay Area sa kanilang Talk Series ukol sa Valentine’s Day: “Magbigay halaga sa: Pamilya, Trabaho at sa Kapwa… Araw-araw ay binibigyan ka ng panahon na magiging biyaya o kasagutan sa dasal ng iba.”
image

Para sa karagdagang detalye makipag ugnayan lamang sa:
image

T&S: Gandang Vitamin C Serum

Tanong at Sagot:
image

Ano po ang mabisang maintenance o tagapangalaga ng kutis na pwede sa buntis at ligtas gamitin sa paligid ng mata?

Vitamin C Serum ng Professional Skin Care Formula by Dr. Alvin . Eto ay siksik sa bitamina na nagsisilbing  anti-oxidant o lumalaban sa pagkasira ng balat.

20170202_123727.jpg


Vitamin C Serum

Pa-alala: Kapag ipinapahid sa paligid ng mata, siguraduhing nakapikit para hindi mapuwing. At kung mapuwing, hugasan lamang ng malinis na tubig.

Ano po ang anti-oxidant?

Ang anti-oxidant ay tumutulong na mapigilan ang free radicals o charged oxygen na unti unting sumusunog ng protinang gaya ng collagen ng ating balat.

Ano po ang Collagen?

Ang collagen ay parang garter sa balat na syang nag-iigting ng banat na itsura ng balat upang di ito lumawag, lumawlaw o kumulubot.

Paano po nakakatulong ang Vitamin C sa ating balat?

Habang tayo ay tumatanda  o napapababad sa init/uv rays nababawasan o humihina ang paggawa ng ipapalit na collagen sa ating balat, kaya’t unti unting kumulubot o lumalawlaw eto. Sa tulong ng Vitamin C, natutulungan nitong isulong ang paggawa ng collagen. Bukod dito, halintulad sa  laman mansanas na napipigilan mangitim kapag nakababad sa tubig na may kalamansi, natutulungan ng Vitamin C ang paglabo ng batik sa balat upang pumantay sa totoong kulay neto sa paligad at kapag ginamit na regular pinapuputi nito ang kutis.

Ano an kaibahan sa paggamit ng Vitamin C serum sa paghaplos ng tunay na prutas sa mukha
?

Ang Vitamin C serum ay mas siksik sa bitamina na akma sa kailangan ng kutis kumpara sa katas ng prutas. Dagdag pa, pwedeng ibabad sa buong araw o sa magdamag na di mapapanis o mabubulok at di ka hahabulin ng langaw o kakagatin ng insekto habang ikaw ay natutulog.

Ano ang lamang (advantage) ng Vitamin C serum kumpara sa ibang pampaganda ng kutis?

Ang Vitamin C ay natural na pangangailangan ng kalusugan ng katawan upang mapaglabanan ang masasamang elemento sa kapaligiran.  Kapag pinahid sa balat mas madali at mas malalim etong nanonoot kaya’t mas mabilis ang bisang natatamasa ng ating kutis. Bukod dito, ang serum ay walang ini-iiwan na mala-mantika/magrangsang na pakiramdam sa balat bagkos pinakikinis at ginagawang masutla na ka-aya-ayang haplusin at halik-halikan.

Para sa karagdagang detalye makipag ugnayan lamang sa:
image

Pinagkunan ng ka-alaman:
Livestrong
SkinInc

Diwa ng Pasko sa pamamagitan ng CSR

Tags

, ,

image

“Nakakapag hanapbuhay ka sa biyayang  ina-ani/natatanggap, pero nahahanap mo ang buhay kapag tayo ay nagbibigay” -Winston Churchill

NovaMars Marketing, awtorisadong distributor ng #Professional_Skin_Care_Formula by Dr. Alvin sa #Quezon_Province District#1 ay nagpapasalamat sa #Rotary Club Tiaong Hiyas at Sikkap Pwd Tiaong sa pagiging bahagi ng makabuluhang Pasko 2016: ang pagbibigay saya sa mga may kapansanan at mahihirap. Binigyan nyo ng daan na ma-isakatuparan ko ang pagsasatupad ng Corporate Social Responsibility  (CSR o Pangkorporasyong Responsibilidad sa Lipunan). Naway magsilbing unang baytang ito para sa pang mas matagalang CSR.
English version

Ang mensaheng eto ay hatid ng :

image

VIDEO: Testimonya ng NovaMars Marketing :

Tiaong Quezon

Kung mag orders paki text ang inyong PANGALAN, LUGAR, CELLPHONE NUMBERS at ORDERED ITEMS sa “LEAVE REPLY BOX.” NovaMars Marketing ay mag email o text sa into pabalik.

Also, don’t forget to visit our website more often for more updates. Thank You!

image
#DiwaNgPasko
#JesusTheGreatestGift

Dr. Alvin’s Beauty Empire Ball 2016

image
image

Nagmistulang Emperor at  Emperatris ang ganda sa  Paskuhan o Christmas Party ng Dr. Alvin ‘s Professional Skin Care Formula.  Ginanap nuong December 4, 2016 sa Manila Hotel,  nagsidalo ang mga distributors kasama ang pamilya, staff o reseller na naka damit na pang Hari at Reyna.  Nang 1:00 ng hapon nakapalibot na ang mga photographer sa bawat istasyon upang kunan ng magagandang larawan ang bawat isa.  Wari kaming mga artista sa dami ng kumukuha.
image

image

Pagdating ng 3:30 ng hapon, tila isang box office ang pila sa pagpaprehistro sa tanghalan na nag-umpisa ng bandang 6:00 ng gabi.

image

image

Ang programa ay pinamunuan nina Cheryl Cosim at dalawang opisyal na endorser ng Dr . Alvin products na sina Carlos Agasi at Bobby Yan.  Aliw na aliw kami sa  biruan at kantahan ng ilang impersonators.  Pero nang kumanta at nagsayaw na si  Enrique Gil ay malakas na nagtilian at naghaplusan sa kamay tuwing siya ay lumalapit.  Ngunit ang pinakamalupit ay ang pagkanta ni  Dr. Alvin ng  “Don  Romantiko” .  Duon ay sinimulan nang umakyat kami upang maki-sayaw sa kanyang kanta.

image
Photo credit
https://www.facebook.com/MediaramaCreatives/

Matapos ang kasiyahan,  nagsi-uwi na ang mga bisita pero nanatili ang mga distributor sa Hotel na ini-check in ni Dr. Alvin para sa sama-samang  almusal kinabukasan.

Kinabukasan,  kami ay bumaba sa  “Ilang-ilang Buffet Restaurant ” upang sama-samang mag-umagahan. At sa aming pagkagulat,  isa-isang  inabot ni Dr. Alvin ang Staff Toy, Blueberry Cheese Cake at Free Accommodation package ng Manila Hotel.  Kalakip din dito ang nakakabagbag damdamin na sulat kamay na papaskong mensahe ni Dr. Alvin.  Naging emosyonal ako at napaluha sa kanyang walang kapantay na kabaitan.

image

image

Ang Dr. Alvin Beauty Empire Ball 2016 ay totoong Don Romantiko ng aming Pasko.

image

This blogpost is brought to you by:

image

VIDEO: NovaMars Marketing Testimony :

Tiaong Quezon

For Orders please Text your NAME, AREA, CELLPHONE NUMBERS and ORDERED ITEMS in “LEAVE REPLY BOX.” NovaMars Marketing will email or text you shortly.

Also, don’t forget to visit our website more often for more updates. Thank You!

image

LIGTAS SA ORIGINAL

Tags

, , , , , , ,

PUBLIC SAFETY SERVICE:

image

Dun ka ba sa mura pero delikado o sa ORIGINAL PARA LIGTAS? 

Ang ORIGINAL ay aprobado ng FDA o Food and Drug Administration. Ibig sabihin ang lahat ng sangkap at kondisyon ay napatunayang ligtas para sa atin kalusugan.  Ang “old packaging ” na fake ay hindi FDA approved.  Ibig sabihin maaring may mercury o lead o iba pang sangkap na delikado sa kalusugan.  Halimbawa ang MERCURY na mabisa nga magpaputi ngunit eto ay nakakasira ng inyong kidney.   SURIIN NG MABUTI ang inyong binibili.  Alamin mabuti kung fake o original.

image

image
image

Maaring tanungin:

1)  Sa bilis ng bentahan nito bakit may “old packaging” ka pa rin? Di ka ba nakakabenta?
2)  Kung galing ito sa main office bakit magkahalo ang new packaging sa old packaging? Diba kung galing sa main yan dapat new lahat o old lahat?

Maaring gawin:

Bago bumili,  picturan at ipadala sa main office o i PM sa akin.  Gagawin ko ang makakaya ko para malaman kung fake nga eto. 

image

image

image

Para sa inyong kaligtasan at kalusugan: MAGSIGURADO! Bumili ng ORIGINAL!

image

Pahabol:

Bilang isang naging reseller at paglaon ay distributor na, nagtataka lang po ako kung totoong “old packaging ” nga bakit di agad nabenta? Kasi ako po experience ko na parati kaming ubusan sa stock nito.

This blogpost is brought to you by:

image

VIDEO: NovaMars Marketing Testimony :

Tiaong Quezon

For Orders please Text your NAME, AREA, CELLPHONE NUMBERS and ORDERED ITEMS in “LEAVE REPLY BOX.” NovaMars Marketing will email or text you shortly.

Also, don’t forget to visit our website more often for more updates. Thank You!

image

Good Bye sa Balat Serena

February 16, Monday

Taglamig na naman at maaring nagmimistulang serena sa pangangaliskis na naman ang ating mga balat.

image

Iwasan ang labis na panunuyo at pangangaliskis, Mag apply ng Olive Oil Mist para mapanumbalik ang sigla at lambot nito.

image

Mainam rin sa mga nagbubuntis upang ma-iwasan ang stretch marks. 

This blogpost is brought to you by:

image

VIDEO: NovaMars Marketing Testimony :

Tiaong Quezon

For Orders please Text your NAME, AREA, CELLPHONE NUMBERS and ORDERED ITEMS in “LEAVE REPLY BOX.” NovaMars Marketing will email or text you shortly.

Also, don’t forget to visit our website more often for more updates. Thank You!

image

Gust Mo Bang Gumanda sa Valentines Day?

Tags

, , , , , , , , , , , , ,

Gusto mo bang gumanda ang inyong kutis sa Valentines Day?  
Hindi pa huli ang lahat, dahil sa loob ng tatalo hanggang pitong araw lang garantisadong papuputiin ka at pakikinisin ka ng REJUVENATING SET ng Professional Skin Care Formula by Dr. Alvin.

image

Marami nang sumubok at napatunayan eto:

image

image

Halina at Magpaganda kana sa Valentines Day! Pumunta o mag email lamang sa:

This blogpost is brought to you by:

image

VIDEO: NovaMars Marketing Testimony :

Tiaong Quezon

For Orders please Text your NAME, AREA, CELLPHONE NUMBERS and ORDERED ITEMS in “LEAVE REPLY BOX.” NovaMars Marketing will email or text you shortly.

Also, don’t forget to visit our website more often for more updates. Thank You!

image