Tanong at Sagot:

image

Ano po ang mabisang maintenance o tagapangalaga ng kutis na pwede sa buntis at ligtas gamitin sa paligid ng mata?

Vitamin C Serum ng Professional Skin Care Formula by Dr. Alvin . Eto ay siksik sa bitamina na nagsisilbing  anti-oxidant o lumalaban sa pagkasira ng balat.

20170202_123727.jpg

Vitamin C Serum

Pa-alala: Kapag ipinapahid sa paligid ng mata, siguraduhing nakapikit para hindi mapuwing. At kung mapuwing, hugasan lamang ng malinis na tubig.

Ano po ang anti-oxidant?

Ang anti-oxidant ay tumutulong na mapigilan ang free radicals o charged oxygen na unti unting sumusunog ng protinang gaya ng collagen ng ating balat.

Ano po ang Collagen?

Ang collagen ay parang garter sa balat na syang nag-iigting ng banat na itsura ng balat upang di ito lumawag, lumawlaw o kumulubot.

Paano po nakakatulong ang Vitamin C sa ating balat?

Habang tayo ay tumatanda  o napapababad sa init/uv rays nababawasan o humihina ang paggawa ng ipapalit na collagen sa ating balat, kaya’t unti unting kumulubot o lumalawlaw eto. Sa tulong ng Vitamin C, natutulungan nitong isulong ang paggawa ng collagen. Bukod dito, halintulad sa  laman mansanas na napipigilan mangitim kapag nakababad sa tubig na may kalamansi, natutulungan ng Vitamin C ang paglabo ng batik sa balat upang pumantay sa totoong kulay neto sa paligad at kapag ginamit na regular pinapuputi nito ang kutis.

Ano an kaibahan sa paggamit ng Vitamin C serum sa paghaplos ng tunay na prutas sa mukha
?

Ang Vitamin C serum ay mas siksik sa bitamina na akma sa kailangan ng kutis kumpara sa katas ng prutas. Dagdag pa, pwedeng ibabad sa buong araw o sa magdamag na di mapapanis o mabubulok at di ka hahabulin ng langaw o kakagatin ng insekto habang ikaw ay natutulog.

Ano ang lamang (advantage) ng Vitamin C serum kumpara sa ibang pampaganda ng kutis?

Ang Vitamin C ay natural na pangangailangan ng kalusugan ng katawan upang mapaglabanan ang masasamang elemento sa kapaligiran.  Kapag pinahid sa balat mas madali at mas malalim etong nanonoot kaya’t mas mabilis ang bisang natatamasa ng ating kutis. Bukod dito, ang serum ay walang ini-iiwan na mala-mantika/magrangsang na pakiramdam sa balat bagkos pinakikinis at ginagawang masutla na ka-aya-ayang haplusin at halik-halikan.

Para sa karagdagang detalye makipag ugnayan lamang sa:

image

Pinagkunan ng ka-alaman:

Livestrong

SkinInc

Advertisements